Saturday, March 11, 2017

Kabanata 15: Si Ginoong Pasta

Ang Buod sa Kabanata 15: Ginoong Pasta

Si Ginoong Pasta ay isang bantog na manananggol. Sinadya ito ni Isagani upang pakiusapan na kung maari ay mamagitan ng sang-ayon sa kanila kung sakaling sumangguni si Don Custodio. Ngunit nabigo siya dahil nagpasiya ang abogado na huwag makialam dahil maselan ang usapan. Masyadong maselan dahil tungkol ito sa nalalapit na pagpapalit ng pangalan ni Ginoong Pasta sa ibang bansa. Pinapasok niya si Isagani sa kanyang bahay ngunit ayaw ni Isagani dahil malaki ang problema nito sa buhay. Hindi makita ni Ginoong Pasta ang mga papeles dahil sa sobrang daming pera niya sa loob ng kanyang kwarto. Marami na siyang pag-aari kaya’t kailangang kumilos nang ayon sa batas. Ang ganting katwiran ni Isagani ay lubos na hinangaan ng abogado dahil sa katalinuhan at katayugan ng pag-iisip nito. Inilahad nang pabuod ang mga nangyari habang pinakikiramdaman ang naging bisa ng kanyang mga salita sa abogado. Nakinig itong mabuti at kahit alam ang kilusan ng mga estudyante, nagkunwari itong walang alam para ipahalata agad sa binata na wala itong pakialam sa gawain ng kabataan.

Subalit nang malaman nito ang kailangan nina Isagani at marinig na may kaugnayan sa proyektong Akademya ang Bise-Rektor, ang mga prayle, ang Kapitan Heneral, napakunot-noo't napabulalas ito: "Bayan ito ng mga proyekto! Sige, magpatuloy ka, magpatuloy ka."

Binigyan ni G. Pasta ng payo si Isagani ukol sa kanyang sadya. Nais ni Isagani na maaprubahan ng manananggol ang nais nilang Akademya ng Wikang Kastila ngunit nabigo siya dahil nagpasiya ng abogado na huwag makialam dahil maselan ang usapan. Ang ganting katwiran ni Isagani ay lubos na hinangaan ng abogado dahil sa katalinuhan at katayugan ng pagiisip nito.

Ang napaka walang hiya ni Don Custodio upang harapin ang mga sitwasyong hindi kanais-nais, hinggil ito sa mga plano ni Isagani ang ipatayo ang Akademya ng Wikang Kastila upang maihayag at maunawaan ang mga salita ng mga espanyol. ngunit, dahil nga'y itoy pinipigilan ni Don Custodio upang makuha lamang ang sariling hangarin ay hindi ito hinayaan ng mga filipinong mapag himagsik. ito ay hindi sinang ayunan nila Simoun at Pecson sa isang talastasan.

UGNAYAN NITO SA KABANATA

Ang ugnayan sa video sa kabanata ay ang paghimok nang isang tao para sundin kung ano ang gusto mo. Sa video ay makikita mo kung paano manghimok nang tao para sumasangayon ato sundin ang gusto mo.

UGNAYAN NITO SA AKING SARILI
Ang ugnayan sa video sa aking sarili ay, katulad sa video na ipinapakita kung paano manghimok nang tao para ito ay sumasangayon sa kung ano ang gusto mo. Ako rin ay gumagawa nang mga ito sa aking araw-araw na mga gawain, kadalasan sa paaralan. Dahil gusto ko na ang mga ideya ko ay susundin nang mga tao.

BILANG ESTUDYANTE, BAKIT KAILANGAN ARALIN ANG EL FILI?

Bilang estudyante, kailangan natin aralan ang El Filibusterismo na ginawa ni Jose Rizal dahil ginawa niya ito para sa atin mga pilipino, ginawa niya ito para malaman natin kung gaano ka mahirap ang pamumuhay nang mga ninuno natin nuon, at kung paano sila bumangon patungo sa kalayaan. Makikita mo rin sa El Filibusterismo ang mga sinaunang estraktura na ginawa nang mga ninuno natin. Ang kultura nang mga ninuno natin at iba pa.

BILANG ISANG PINUNO SA HINAHARAP, PAANO NYO NGAYON HIHIKAYATIN NA PAHALAGAHAN AT BASAHIN ANG EL FILI?

Bilang isang pinuno, hihikayatin ko ang mga paaralan na dapat basahin at ituturo ang El fili sa mga estudyante nila, Dapat lahat nang mga estudyante sa paaralan ay merong kopya sa El filibusterismo, Para malaman nila ang mga importanteng impormasyon na makukuha mo sa mga gawa ni Jose Rizal, para mabigyang halaga ang trabaho ni Jose Rizal. Kung hindi ginawa ni Jose Rizal ang Noli me Tangere at El Filibusterismo, iba talaga ang ating bansa ngayon. Hindi natin makukuha ang kalayaan kung wala si Jose Rizal kaya nararapat siyang bigyan nang halaga pati rin ang kanyang mga gawa.


VIDEOS 






Bisitahin niyo ako sa mga accounts ko:

Facebook: https://www.facebook.com/donnielkent.llamedo
Twitter: @DonnielKent